24
Dec
Mga sangkap:
1 malaking manok, hiniwa nang katamtamang laki
1 tasang olive oil.
¼ kilong chorizo de bilbao, hiniwa-hiwa
1 ulo ng bawang, pinitpit
2 malaking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
1 maliit na lata ng tomato paste
1 kutsaritang paprika
3 tasang bigas
2 malaking alimasag, pinakuluan at hiniwa sa apat na bahagi
6 sugpo, pinakuluan
25 pirasong tahong, pinakuluan sa 7 tasang tubig
7 tasang tubig (pinagpakuluan ng tahong)
1 latang gisantes, sinala ang tubig
2 pirasong siling pula at berde hiniwa sa 8 bahagi
asin, paminta, vetsin
Paraan:
- Prituhin ang manok at ilagay sa isang tabi.
- Igisa ang bawang sa natirang mantika.
- Idagdag ang sibuyas, chorizo de bilbao at manok.
- Ilagay ang tomato paste, tomato sauce, paprika, siling pula at berde, at ang pinagpakuluan ng tahong.
- Idagdag ang bigas na parang sinaing.
- Hintaying maluto ang bigas at matuyuan nang bahagya.
- Ilagay ang sugpo, alimasag, tahong, at gisantes.
- Takpan at hintaying maluto sa mahinang apoy.
- Timplahan ng asin, paminta at vetsin.
- Ihain habang mainit.


