24
Dec

Mga sangkap:

1 malaking manok (mga 1 ½ kilo)

2 tasang ham, tinadtad

½ kilong giniling na baboy, puro laman at walang taba ng baboy (gilinging ng 2 beses)

2 nilagang itlog

6-8 pirasong olives, tinadtad (pwedeng wala)

1 kutsaritang asin

½ kutsaritang vetsin

½ kutsaritang pamintang durog

¼ tasang kinudkod na keso

¼ tasang whole pickles (hiniwa nang pahaba sa gitna)

2 carrots, nilaga (hiniwa nang pahaba sa gitna)

1 ½ tasang biskotso (bread crumbs)

Paraan:

  1. Linising maigi at maingat na alisin ang buto ng manok.
  2. Maari itong ipagawa sa grocery o palengke.
  3. Pahiran ng asin at paminta ang loob at labas ng manok.
  4. Ilagay sa isang tabi.
  5. Pagsamahin lahat ng sangkap maliban sa nilagang itlog, pickles at carrots.
  6. Palamanan ang manok ng kalahati ng pinaghalong sangkap.
  7. Ilagay sa gitna ang itlog, pickles at carrots nang manok at ilagay ang natirang sangkap.
  8. Huwag masyadong punuin ang manok upang hindi mahirapan sa paghiwa nito.
  9. Mas mabuti kung tahiin sa pamamagitan ng makapal na sinulid ang dulo ng manok. Ilagay ang manok sa baking pan.
  10. Gumamit ng pan na kaysa ang buong manok.
  11. Takpan ng aluminum foil.
  12. Painitin ang hurno nang 350 degrees Fahrenheit nang 10 minuto bago ilagay ang manok.
  13. Lutuin ng 1 oras.
  14. Malalamang luto na ang manok kapag ito’y tinukso ng toothpick at mapapansin tuyo na ang toothpick.
  15. Palamigin bago hiwain.

*Ang espesyal na lutuing ito ay karaniwang tampok tuwing Pasko’t Bagong Taon.

SARSA PARA SA CHICKEN GALANTINA

Mga sangkap:

Pinaghurhuhan ng manok

2 kutsarang kinudkod na keso

1 kutsarang cornstarch

Paraan:

  1. Gumawa ng masarap na sarsa para sa Chicken Galantina buhat sa tulo ng pinaghurhuhan ng manok.
  2. Maglagay ng 2 kutsarang kinudkod na keso at 1 kutsarang cornstarch na tinunaw sa tubig.
  3. Lutuin sa mahinang apoy hanggang lumapot.
  4. Halu-haluin.
  5. Sa halip na ihurno ang manok, maari ring itong pasingawan sa steamer nang 1 ½ oras

, ,

Add reply